Itinuturong pangunahing suspek ang isang 18-anyos na lalaki sa pagpatay sa kaniyang 33-anyos na tiyuhin na natagpuang nakasilid sa sako sa Barangay Can-olin, Candijay, Bohol.
Ayon sa imbestigasyon, hinihinalang sinakal muna ang biktima bago binalot ng tape at isinako ang kaniyang katawan.
Lumabas sa imbestigasyon na nag-ugat umano ang krimen sa hindi pagkakaunawaan matapos ₱1,000 lamang ang ibigay ng biktima sa hinihinging ₱2,000 ng suspek.
Natukoy ng pulisya ang suspek sa tulong ng impormasyong nakuha mula sa cellphone ng biktima, na isang director sa cashier's office ng isang state university sa Bohol.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.
📸: Candijay MDRRMO

