Pinasok ng tubig-baha ang ilang bahay sa Barangay Bagumbayan, Pililla, Rizal dulot ng malalakas na pag-ulan.
Ayon sa uploader ng video, madalas na umanong bahain ang kanilang lugar kahit mahina lamang ang ulan. Aniya, nagsimula ang problema matapos lagyan ng pader ang dating palayan, dahil sa itinatayong junk shop o hardware, kaya nawalan ng daluyan ang tubig-ulan.
Ilang beses na rin umano silang nakiusap sa lokal na pamahalaan na magkaroon ng drainage o lagusan ng tubig, ngunit hindi pa ito naaaksyunan. | via Kristel Fesalbon-Fabic
📽️: Anne-Rose Patapat
