Nasagip ang isang juvenile whale shark o butanding matapos itong ma-stranded sa mababaw na bahagi ng baybayin ng San Fabian, Pangasinan dahil sumabit ito sa isang lambat.
Ayon sa ulat, nagtulong-tulong ang mga mangingisda at mga residente na maibalik ang dambuhalang isda pabalik sa mas malalim na bahagi ng dagat hanggang sa ligtas itong makalangoy.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), mahalaga na agad na maiulat sa mga awtoridad ang mga na-stranded o nanganganib na butanding upang matiyak na ligtas silang maibabalik sa kanilang natural habitat.
📸: Pinlac Villanueva Mayvel


