Asahan ang katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan na may mga pagkidlat at pagkulog sa Bataan, Nueva Ecija, Pampanga, Cavite, Batangas, Rizal, Metro Manila, Quezon at Bulacan dahil sa Bagyong Kiyapo sa loob ng susunod na dalawang oras.

Habang malalakas na pag-ulan ang nararanasan sa Zambales, Tarlac at mga karatig-lugar na tatagal ng dalawang oras.




