Ihahatid ng NET25 News and Information ang komprehensibong coverage ng ika-5 State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes, Hulyo 27. Sa pangunguna ng mga batikang mamamahayag ng NET25, asahan ang masusing pagtalakay sa ikalimang report ng pangulo at ang mga pangakong bibitawan niya sa kaniyang huling dalawang taon sa termino.
Ilalahad ng NET25 News and Information at net25.com ang online updates bago, habang at pagkatapos ng SONA, kabilang ang reaksyon ng publiko at ang mga panawagan sa labas ng Batasang Pambansa para sa pananagutan at mga hinaing ng sambayanan.
Panoorin sa NET25 News and Information ang live coverage ng SONA at ang buong talumpati ng pangulo na naglalaman ng mga nagawa ng administrasyon at ang mga ilalatag na programa ng gobyerno sa mga huling bahagi ng panunungkulan ng pangulo.
Nakatutok ang buong pwersa ng NET25 News and Information, mula sa newsroom, sa mga lansangan at sa digital space, para makapaghatid ng matatag, matapang at matapat na pagbabalita.


