Nasagip ang tatlong sakay ng isang trailer truck nang mahulog ito sa sapa sa Barangay Pocopoco, Damulog, Bukidnon nitong Huwebes ng hapon, Hulyo 23.
Ayon sa mga awtoridad, nawalan umano ng kontrol ang driver dahil sa madulas na kalsada habang bumibiyahe ang truck mula Sarangani patungong Cagayan de Oro.
Matapos ang halos dalawang oras na rescue operation, nailigtas ang driver at dalawa nitong kasama na pawang nagtamo ng minor injuries. | via Christyl Castillo
📽️: Titit Bascon

