Arestado ang isang high-value individual sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Don Bosco, Parañaque City nitong madaling araw ng Biyernes, Hulyo 24.
Ayon sa pulisya, nasamsam mula sa suspek ang humigit-kumulang 210 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱1.428 milyon at 30 gramo ng hinihinalang marijuana kush na nagkakahalaga ng ₱45,000.
Nakumpiska rin ang buy-bust money, isang sling bag, mobile phone, at iba pang personal na gamit. Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | via Hannah Mikylla Dulay
📷: PNP NCRPO


