Nagpatupad ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 10 ng total road closure sa Maladi Bridge sa Picong, Lanao del Sur matapos tangayin ng malakas na ulan ang pansamantalang spillway na nagsisilbing alternatibong daanan habang isinasagawa ang pagkukumpuni ng tulay.
Nagtalaga na rin ng mga personnel sa lugar upang gabayan ang mga motorista at tiyakin ang kanilang kaligtasan, habang pinapayuhan ang publiko na gumamit ng mga itinakdang alternatibong ruta.
| via Laura Pobadora
📷: DPWH 10


