Nagpahayag ng pagtitiwala ang publiko sa matatag, matapang at matapat na pagbabalita ng NET25, nang makapasok ito sa top 3 ng Most Trusted TV News Outlets sa Pilipinas, base sa PAHAYAG Q2 2026 survey ng PUBLICUS Asia Inc.
Nakuha ng NET25 ang ikatlong puwesto sa Television (Free-to-Air / Cable) category matapos makapagtala ng 18% trust score. Pinatutunayan nito ang patuloy na tiwala ng mga Pilipino sa makabuluhang pagbabalita ng network.
Itinuturing na isang tagumpay ito para sa NET25 dahil nakikipagsabayan ito ngayon sa mga dati nang higante sa industriya ng broadcasting sa bansa.
Sa tatlong TV station na nanguna sa survey, NET25 ang pinakabata. Kahit 26 taon pa lamang ito, mataas na marka ang nakuha nito sa pakikipagsabayan sa mga himpilang mahigit 60 taon nang umiiral sa bansa.
Hawak pa ng nangungunang network sa survey ang malaking market share dahil sa lawak ng teknolohiya at imprastraktura nito.
Malaking indikasyon ng pagtitiwala ang nakuhang rating na nakapasok ang NET25 sa mga kabahayang may free TV at cable kung saan may malakas na viewership ang network.
Patuloy ang infrastructure development at expansion ng NET25 upang maabot ang mas marami pang Pilipino sa iba't ibang sulok ng bansa gamit ang mas pinalakas na signal. Kaya naman aktibo rin ang presensiya ng NET25 social media platforms at ng website nitong NET25.com.
Pinananatili ng network ang dedikasyon para maghatid ng balita at impormasyon mula sa malalaking isyu at pangyayari ngayong taon—kabilang ang mga sigalot sa Middle East, sa West Philippine Sea, mga isyung politikal sa Senado, Kongreso at sa impeachment, at ang mga kalamidad na puminsala sa bansa.
Bukod sa telebisyon, sinuri rin sa survey ang trust ratings ng iba pang media platforms gaya ng newsprint, radio, at Digital/Hybrid.


