Nagsampa ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng kasong kriminal laban sa Sunwest Inc., presidente nitong si Aderma Angelie Descarga Alcazar, at treasurer na si Cesar Zacarias Buenaventura dahil sa umano'y tinatayang ₱22.71 bilyong kakulangan sa pagbabayad ng income tax.
Ayon sa BIR, hindi umano idineklara ng kumpanya ang lahat ng kita nito at nag-ulat ng mga gastusing walang sapat na dokumento sa mga income tax return nito mula 2019 hanggang 2024.
📷: BIR




