Isinailalim na ng lokal ng pamahalan ng Bulacan sa state of calamity ang lalawigan.
“Kailangang kailangan iyan dahil unang una ang ating agricultural damages is almost P80 million, ‘yung livestock and hogs natin ay halos P3 million. Wala pa po diyan ang infra,” ani gobernador ng Bulacan.
Sa nilagdaang Panlalawigang Kapasiyahan Blg. 579-T’2023 na ang may akda ay ang Sangguniang Panlalawigan Presiding Officer at si Vice Gov. Alexis C. Castro, umabot na sa 228,648 pamilya mula sa 171 barangay ang apektado ng mga pagbaha dulot ng walang tigil na pag-ulan bunsod ng bagyong Egay at bagyong Falcon na lalo pang pinalakas ng southwest monsoon.

Samantala, humingi na ng tulong ang LGU ng Bulacan sa mga mambabatas na gawing prayoridad na mabigyan ng agarang solusyon ang lumalalang problema sa baha.
“Kailangan ito ay mapag-aralan natin at mabigyan ito ng solusyon sa pamamagitan ng isang matindi at maayos na master plan. Sana ay masuportahan ang aming lalawigan regarding sa mga nangyayaring pagbaha po sa amin. Hindi po namin ito kakayanin kung kami lang,” pahayag ng gobernador.



