Nasawi ang pitong armadong indibidwal sa isang joint police-military operation sa Tugunan, Special Geographic Area ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) noong Setyembre 19, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Isinagawa ang operasyon sa Barangay Balong para ipatupad ang arrest warrant laban sa isang indibidwal na nahaharap sa kasong carjacking at homicide.
Nauwi ito sa palitan ng putukan na ikinasawi ng pitong armadong indibidwal at pagkakarekober ng limang high-powered firearms.
Pansamantalang inilikas ang nasa 350 residente sa lugar habang patuloy ang koordinasyon ng mga awtoridad para sa kanilang kaligtasan at pagbibigay ng kinakailangang tulong.
📷 AFP



