Ipinatupad na ngayong Huwebes, Hulyo 16, ang gun ban sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kasabay ng pagsisimula ng 90 na araw na election period para sa unang parliamentary election ng rehiyon, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, maglalagay ng mga checkpoint sa lahat ng 105 munisipalidad at tatlong lungsod sa BARMM upang matiyak ang pagpapatupad ng gun ban.
Batay sa Comelec Resolution No. 11214, tatagal ang election period mula Hulyo 16 hanggang Setyembre 29, habang ang campaign period ay mula Hulyo 30 hanggang Setyembre 12.


