Nakauwi na ng Pilipinas ang dalawang Pilipinong tripulanteng sakay ng M/V Blue na biktima ng drone attack sa Black Sea.
Ayon sa Department of Migrant Workers, lulan ng barko ang 18 Pinoy na tripulante kung saan inatake ang kanilang barko noong Hulyo 8.
Dahil dito, nasira ang hulihang bahagi ng barko, propeller, at engine room. Pinagmulan din ito ng sunog na agad namang naapula.
Nakaligtas naman ang lahat ng tripulante sa insidente.
📸: DMW


