Nag-alinlangan si Senator-judge Juan Miguel Zubiri sa pagharap ni Police Maj. Jerickson Sangalang bilang witness sa ika-30 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Lunes, Setyembre 28.
Ayon kay Zubiri, hindi niya nakikitang may malaking bigat ang testimonya ni Sangalang at hinihintay nila ang mas mahalagang ebidensiyang ilalahad sa paglilitis.
“We’re looking for the bigger evidence that they want to present, if any. Sabi nga ni Senator Lacson, ‘yung malaking paputok naging kwitis. ‘Yung malaking paputok umabot sa atomic bomb kung meron, ‘yan ang gusto nating malaman,” ani Zubiri.


