Itinanggi ni Vice President Sara Duterte na kilala niya si Rodulfo Gracioso Jr. at pinasinungalingan ang paratang na may natanggap silang pera mula rito.
Hinihintay umano ng kampo ng bise presidente ang kopya ng affidavit ni Gracioso mula sa NBI bago magsampa ng kaso laban dito.
Matatandaang inakusahan ng dating pulis na naghahatid umano siya ng mga maletang may lamang pera kina VP Sara, dating Pangulong Rodrigo Duterte, at Rep. Paolo Duterte.

