Mariing itinanggi ni Vice President Sara Duterte na kilala niya si Rodulfo Gracioso Jr. at sinabing wala siyang natanggap na pera mula rito.
Tinawag niyang “media stunt” ang affidavit ng dating pulis at sinabing isa umano itong pagtatangka na palakasin ang impeachment case laban sa kaniya.
Sa kasalukuyan, hinihintay ng kampo ng bise presidente ang opisyal na kopya ng affidavit ni Gracioso mula sa National Bureau of Investigation para maisampa ang mga kaso laban dito.


