Para kay Senator-judge Raffy Tulfo ay “waste of time” ang pagharap ni Police Maj. Joericson Sangalang bilang witness sa ika-30 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Lunes, Setyembre 28.
Sinabi ni Sen. Raffy na nagtataka siya kung bakit kailangang isalang si Sangalang kaugnay sa mga baril nina VP Sara Duterte at ng kaniyang asawa si Atty. Mans Carpio, dahil maaari naman umanong ideklara ang mga ito bilang personal property.
“Nagtataka ako bakit kailangang pa talagang ilagay dito as witness itong si [Maj. Jerickson Sangalang]. Kasi what I know, ’yung firearms pwedeng i-declare as personal property. Lahat naman siguro tayo, lahat ng senator-judges dito may baril, one way or another.
“For me, sorry ha, this is a waste of time. Mas marami pa sana tayong pwedeng gawin, mag-plenary na lang tayo, marami tayong mapapasa na bill kaysa isasalang natin siya. Sorry ha, nothing personal about you. Para sa akin, irrelevant po itong witness natin dito.”
