Kinuwestiyon ni Senator-judge Erwin Tulfo ang kaugnayan ng testimonya ni Police Maj. Joericson Sangalang ng PNP Firearms and Explosives Office sa alegasyon ng tagong yaman laban kay Vice President Sara Duterte.
Tinanong ni Tulfo kung ano ang kaugnayan ng mga baril sa alegasyon ng hidden o unexplained wealth at pabirong nagtanong kung “may diamante ba, may gold ba” ang mga baril na ito.
“Ano po ang relevance ng magiging statement ni Maj. Sangalang dito sa pinag-uusapan natin tungkol po sa hidden wealth or unexplained wealth? Kaya nga po kanina, ’yung question ko po sort of a joke na may diamante ba, may gold ba ’yung baril na ’yan that we have to tackle all the firearms?” ani Tulfo.
