Ipinatupad simula ngayong Lunes, Setyembre 28, ang ₱14 minimum fare para sa traditional jeepney mula sa dating ₱13. Samantala, ₱17 na ang minimum fare sa modern jeepney mula sa dating ₱15.
Alinsunod sa inaprubahang rekomendasyon ng LTFRB at DOTr, kasama rin sa fare hike ang mga bus, airport taxi, TNVS at point-to-point buses. May provisional fare increase din para sa UV Express at taxi.

