Hiniling ni Davao City Mayor Sebastian Duterte na sa halip ngayong Lunes, Setyembre 28, ay sa Setyembre 29 at 30 na lamang siya humarap sa impeachment trial.
Ayon kay presiding officer Sen. Chiz Escudero, sa natanggap nilang sulat, kailangan umano ni Duterte ng sapat na oras upang tipunin, ayusin, at ipa-authenticate ang mga dokumentong hinihiling ng Senado.
Pinagbigyan naman ni Escudero ang kahilingan ng alkalde.

