Kinansela ng Senate impeachment court ang nakatakdang paglilitis ngayong Biyernes, Nobyembre 13, matapos hilingin ng kampo ni Vice President Sara Duterte na alisin ang nasabing trial date dahil wala na silang nakatakdang testigo na ihaharap.
Pinayagan naman ito ni Presiding Officer Sen. Francis “Chiz” Escudero, na nagsabing ibabawas ang naturang araw sa inilaan na trial dates ng depensa.
Ayon kay Sison, nasa walo hanggang sampung testigo pa ang natitira sa kanilang panig. Kabilang sa mga hindi na ihaharap ang Quezon City prosecutor na si Vimar Barcellano, matapos pumayag ang prosecution na kilalanin ang pagiging tunay ng mga kaugnay na pampublikong dokumento.
Nauna na ring hindi na itinuloy ang testimonya ng isang opisyal ng BPI at 15 pang opisyal ng mga bangko.
Itinakda naman sa Nobyembre 19 ang susunod na paglilitis. Patuloy na tinatalakay ng impeachment court ang Article II na may kaugnayan sa umano’y unexplained wealth ni VP Sara.
📷: PNA



