Sa ospital na inihain ng mga tauhan ng PNP-CIDG ang arrest warrant kay dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng umano’y malawakang pagkamal ng ill-gotten wealth na tinatayang aabot sa P56 billion.
Naka-confine ang kongresista sa Cardinal Santos Medical Center nang ilabas ng Sandiganbayan ang warrant of arrest at hold departure order laban sa kaniya, kay dating Cong. Zaldy Co at dalawa pang akusado sa kaso.
Walang inirekomendang piyansa ang 3rd Division ng Sandiganbayan sa kaso ng apat na indibidwal.
Samantala, naghain ang kampo ni Romualdez ng manifestation for hospital confinement at urgent motion for continued hospital confinement under custody sa Sandiganbayan 3rd Division ngayon ding Lunes, September 7, ilang oras matapos maglabas ng arrest warrant laban sa kanya.
Tumanggi naman ang kampo ni Romualdez na sabihin sa media kung ano ang medical condition ng kongresista.



