MARY JANE VELOSO UPDATE
Matapos matanggap ni Mary Jane Veloso ang kopya ng Absolute Pardon at release order, inaasahang anumang oras ngayong gabi ang pagdating ng kanyang pamilya sa Correctional Institution for Women (CIW).
Bantay-sarado ng mga awtoridad ang bisinidad ng CIW habang hinihintay ang pagdating ng pamilya ni Veloso at ang kanyang tuluyang paglabas. | via Jim Tejano
