Inaasahang tataas pa rin ang presyo ng mga cooking gas kahit sinuspinde ng Malacañang ang excise tax sa liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene.
Ayon kay Arnel Ty ng LPG Marketers Association, nasa ₱4 kada kilo pa rin ang posibleng dagdag-presyo sa LPG, mula sa naunang planong ₱10 kada kilo. Handa umano ang kanilang grupo na dahan-dahanin ang pagpapatupad ng taas-presyo.
Inirekomenda ng Department of Finance ang pansamantalang suspensyon ng excise tax sa LPG at kerosene. Nilagdaan na ng Pangulo ang pagpapatibay nito ngayong Biyernes, Setyembre 25.
