Pansamantalang nakalaya si Lakambini Chiu, kapatid ng actress na si Kim Chiu, nang makapagpiyansa ng ₱5.6 milyon nitong Miyerkules, Setyembre 24, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology.
Apat na gabi siyang nakadetine matapos maaresto noong Linggo, Setyembre 20 kaugnay ng ₱44.4-milyong qualified theft case na isinampa ni Kim.
Ibinaba mula ₱5.8 milyon ang kaniyang piyansa dahil sa kahilingan ng kaniyang legal team at gumamit ng surety bond para sa kaniyang paglaya.
Dumalo si Kim sa arraignment ng kaniyang ate sa Quezon City Hall of Justice, habang virtual namang dumalo si Lakambini.
Sinabi ni Kim na nasasaktan siya sa nangyari ngunit hinahayaan niyang umusad ang legal na proseso kaugnay ng mga alegasyon sa kanilang joint venture na House of Little Bunny Philippines, Inc.
📷 QCPD PIO
