Binabalaan ng Senate impeachment court si House prosecutor Rep. Terry Ridon kaugnay ng kaniyang mga pampublikong pahayag tungkol sa merito ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Pinaalalahanan ni presiding officer Sen. Francis “Chiz” Escudero si Ridon na mag-ingat sa kaniyang mga pahayag at sumunod sa Rule 18 at CPRA rules, na naglilimita sa pampublikong pagtalakay sa merito ng nakabinbing impeachment case.
