Kinuwestiyon ni Atty. Michael Poa kung ano ang masama sa pagpunta sa China matapos tanungin ang mga testigo ng depensa sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte tungkol sa kanilang mga biyahe sa naturang bansa.
Nitong Martes, Nobyembre 10, tinanong ng prosecution si Davao City Accountant Vingelin Bajan tungkol sa kaniyang pagbisita sa China. Nauna namang tinanong noong Lunes, Nobyembre 9, si Davao City Assessor Jaime Adalin tungkol sa mga biyahe niya roon noong nakaraang taon at sa unang bahagi ng 2026.
Ayon kay Poa, bahala na umano ang mga senator-judge na magpasya kung may problema sa kanilang pagpunta sa China.
Samantala, iginiit ni Vice President Spokesperson Paolo Panelo na walang kinalaman sa kredibilidad ng isang government official ang pagkakaroon nito ng opisyal na biyahe sa China.

