Umarangkada ngayong umaga, Setyembre 29, ang ikalawang araw ng tigil-pasada na pinangunahan ng PISTON sa Aurora Boulevard, Quezon City.
Hiling ng mga tsuper ang dagdag-pamasahe at iba pang hakbang para maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel.
Ramdam naman ng ilang commuter ang abala dahil sa kakulangan ng masasakyan, pero may ilan ding nagpahayag ng pag-unawa sa hinaing ng mga tsuper.
| via Jim Tejano

