Umabot na sa P19.07 trilyon ang kabuuang utang ng bansa nitong Hunyo, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).
Nadagdagan ito ng P518.98 bilyon mula sa P18.55 trilyon na naitalang utang noong Mayo. Ayon sa BTr, dulot ito ng net availment ng domestic at external borrowings upang pondohan ang mga programa para sa national development.
Sa kabuuang utang, P12.84 trilyon ang domestic debt, habang P6.23 trilyon naman ang external debt.




