Kalaboso ang isang dismissed na pulis at dalawang suspek matapos mahulihan ng P340,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Brgy. Lumbia, Cagayan de Oro City.
Ayon sa Police Regional Office 10 (PRO-10), na-dismiss sa serbisyo ang naturang pulis noong Nobyembre 2025 matapos magpositibo sa paggamit ng ilegal na droga.
Nasamsam sa operasyon ang walong sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 50 gramo, isang .38 calibre revolver, at iba pang drug paraphernalia.
Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang karagdagang kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang isinampa laban sa dating pulis.
📷: PRO-10



