Tinatayang mahigit 1,000 Pilipinong seafarer ang nananatili pa rin sa Strait of Hormuz, ayon kay Federation of ASEAN Shipowners' Associations (FASA) Chair Mohamed Safwan bin Othman.
Bumaba naman ang bilang ng mga barkong naipit sa lugar mula 2,000 tungo sa 500, batay sa datos ng International Maritime Organization (IMO).
“Big chunk of it. Majority of it are Filipinos. Our latest calculation about more than 50% are Filipinos," ayon kay Othman.
Wala namang tiyak na bilang ang FASA dahil karamihan sa mga barko ay nagpatay ng kanilang radar upang hindi umano ma-track ng Iranian authorities.
📷: Reuters



