Nahuli ng pulisya ang isang 53-anyos na motorcycle taxi rider sa Marikina City kaugnay ng umano'y paulit-ulit na panghahalay sa kaniyang 10 taong gulang na stepgranddaughter sa loob ng limang taon.
Ayon sa pulisya, nagsimula umano ang pang-aabuso noong 2021 at tumagal hanggang sa lumipat ng tirahan ang pamilya ng biktima. Nadiskubre lamang ang insidente nang malamang buntis ang menor de edad at walong buwan nang nagdadalang-tao.
Nahaharap ang suspek sa limang bilang ng statutory rape, limang bilang ng sexual assault, at acts of lasciviousness.



