Nakumpiska sa isang Grade 6 student ang isang .38 calibre revolver habang nasa loob ng Pulang Bato Elementary School sa Almeria, Biliran.
Ayon sa imbestigasyon ng Almeria Municipal Police Station, pinagyabang umano ng bata ang baril sa kaniyang mga kaklase habang nasa loob ng comfort room ng paaralan. Agad namang ipinagbigay-alam ng school principal sa pulisya ang insidente.
Nakipag-ugnayan ang pulisya sa mga magulang ng bata at isinailalim ito sa interview, assessment, at counseling. Kinumpiska rin ng mga awtoridad ang naturang baril.
📷: PRO-8



