Umakyat na sa 25 katao ang bilang ng mga nasawi sa 7.1 magnitude na lindol sa Japan, ayon sa Kumamoto Prefecture Government.
Ayon sa mga lokal na opisyal, nasa 58,000 kabahayan ang nananatiling walang suplay ng kuryente at tubig matapos masira ng lindol ang mga pangunahing linya ng serbisyo.

Tinataya rin ng mga awtoridad na aabot ng ilang buwan ang pagkukumpuni ng mga water mains na napinsala ng malakas na pagyanig.
📷: Reuters



