Aarangkada na sa Setyembre ang planong rehabilitasyon ng mga drainage sa Maynila, ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon.
Kabilang sa isasagawang proyekto ang pag-upgrade ng mga drainage system, pagsasaayos ng mga kalsada, at pagtatayo ng malaking catch basin sa Earnshaw, Sampaloc.
Layunin ng rehabilitasyon na mapabilis ang daloy ng tubig at mabawasan ang pagbaha sa España Boulevard. Aminado naman si Dizon na posibleng bumigat ang daloy ng trapiko sa lugar habang isinasagawa ang proyekto.
📷: Manila PIO



