Kulong ang isang lalaking umano'y paulit-ulit na pinagsamantalahan ang kaniyang 12-anyos na babaeng pinsan.
Ayon sa Unisan Municipal Police Station, naganap ang krimen sa Unisan, Quezon, kung saan pinapasok umano ng suspek ang biktima sa kaniyang kuwarto at doon ito paulit-ulit na hinalay. Lumabas din sa imbestigasyon na ilang beses na umano nitong pinagsamantalahan ang menor de edad bago ang insidente.
Nahaharap ang suspek sa limang bilang ng kasong rape at kasalukuyan nang nakapiit sa himpilan ng pulisya.
| via Martin Banaag



