Arestado ang isang motorcycle rider matapos ma-hit-and-run ang Grade 9 student na tumatawid sa pedestrian lane sa Sampaloc, Manila.
Ayon sa Manila Police District Police Station, tumatawid ang bata nang mabangga ng motor. Imbes daw na tumigil ang rider, ay dire-diretso pa itong nagmaneho at tinakasan ang sugatan na biktima.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at mahaharap sa kaukulang kaso.
📸: Habz Sihil / FB

