RARE MINDANAO BLEEDING-HEART SA MT. HAMIGUITAN.
Namatahan ang dalawang Mindanao bleeding-heart, isang endemic at vulnerable na uri ng ibon sa Pilipinas, sa paanan ng Mount Hamiguitan Range Wildlife Sanctuary sa Davao Oriental nitong Miyerkules, Hulyo 29.

Ayon sa DENR Davao Region, bago ang pinakahuling sighting, naobserbahan na rin ang naturang species sa parehong lugar noong Hunyo at Hulyo, kabilang ang isang lalaking ibon na nagpapakita ng courtship behavior sa isang babaeng ibon, na posibleng indikasyon ng breeding activity.
Huling nakumpirma ang presensya ng Mindanao bleeding-heart sa wildlife sanctuary noong 2019.
📸: DENR Davao Region

