Huli ang tatlong indibidwal dahil sa umano’y meter tampering ng kuryente sa General Emilio Aguinaldo, Cavite, ayon sa Philippine National Police - Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).
Ayon sa mga awtoridad, nahuli ang mga suspek habang nagkakabit umano ng resistor device sa metro ng Meralco upang manipulahin ang tala ng konsumo at mapababa ang singil sa kuryente.
Nagsimula ang operasyon matapos iulat ng Meralco ang umano’y pag-aalok ng mga suspek ng serbisyo sa pagmanipula ng electric meter kapalit ng ₱15,000. Nahaharap sila sa posibleng paglabag sa Anti-Electricity and Electric Transmission Lines/Materials Pilferage Act.
📸: CIDG

