Umabot na sa ₱841 milyon ang nabawi ng Department of Justice (DOJ) mula sa ilang sangkot sa umano'y maanomalyang flood control projects ng pamahalaan, at naibalik naman ang mga ito sa National Treasury.
Sa naturang halaga, ₱500 milyon ang ibinalik ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Roberto Bernardo. Nagbalik din ng ₱181 milyon si dating DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara, ₱140 milyon si dating DPWH Regional Director Gerard Opulencia, at ₱20 milyon ang kontratistang si Sally Santos.
Kabilang ang apat sa Witness Protection Program ng DOJ habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa umano'y anomalya sa mga flood control project.



