Nagbabala ang Philippine Space Agency (PhilSA) sa posibleng pagbagsak ng rocket debris sa ilang bahagi ng karagatan ng bansa kasunod ng paglulunsad ng China ng Long March 7A rocket nitong Miyerkules ng gabi, Hulyo 29.
Ayon sa PhilSA, hindi inaasahang babagsak ang debris sa lupa o mataong lugar, ngunit maaaring matagpuan ang mga ito sa mga itinakdang drop zone sa karagatan.
Kabilang dito ang unang drop zone na nasa layong 41 nautical miles mula sa Burgos, Ilocos Norte, at 64 nautical miles mula sa Dalupiri Island, Cagayan.
Samantala, ang ikalawang drop zone ay nasa 67 nautical miles mula sa Santa Ana, Cagayan at 80 nautical miles mula sa Camiguin Norte.
📸: PhilSA



