Piniling hindi mag-cross-examine ng depensa ni Vice President Sara Duterte sa dalawang dating LandBank branch managers sa ikasampung araw ng impeachment trial nitong Miyerkules, Hulyo 29 dahil wala umanong isyung nakita sa kanilang mga testimonya.
Ayon kay defense spokesperson Atty. Michael Poa, hindi naman kinukuwestiyon ang pag-withdraw ng Office of the Vice President at Department of Education ng confidential funds, kundi ang paggamit ng mga ito.



