Sugatan ang driver at helper ng isang 18-wheeler truck nang sumpalpok ito sa railing ng tulay sa southbound lane ng North Luzon Expressway (NLEX) sa Mexico, Pampanga matapos umanong umiwas sa isang sasakyang biglang sumingit sa kaniyang linya.
Ayon sa pulisya, nagpreno ang driver upang iwasan ang isang sasakyan ngunit nawalan ito ng kontrol dahil basa ang kalsada. Dumulas ang truck at tumama sa railing ng tulay kung saan lumampas sa gilid ang harapang bahagi nito.
Patuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy ang sasakyang umano’y sumingit at kung may pananagutan ang driver nito.
📸: Alkaiser Junlail



