BASAG-KOTSE MODUS, SAPUL SA CCTV.
Nagsagawa ng backtracking ang mga awtoridad matapos mahuli sa CCTV ang dalawang lalaking riding-in-tandem na bumasag sa bintana ng isang nakaparadang pick-up truck sa Sta. Cruz, Maynila.
Batay sa CCTV footage, minanmanan muna ng mga suspek ang sasakyan bago binasag ang bintana at kinuha ang bag na nasa loob ng sasakyan at mabilis na tumakas sakay ng nakaabang na motorsiklo.Nangyari ang insidente sa Aurora Boulevard, Barangay 377, pasado 3:00 ng madaling araw nitong Lunes, Hulyo 27.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. | via Jim Tejano
📽️: Contributed


