Nagbabala ang PAGASA na may 81% tiyansang maranasan ang “very strong” El Niño pagsapit ng Oktubre hanggang Disyembre ngayong taon, at maaari itong magpatuloy hanggang sa unang kalahati ng 2027.
Posibleng magdulot ito ng mas kaunting pag-ulan na maaaring makaapekto sa suplay ng tubig, lalo na sa mga pangunahing dam tulad ng Angat Dam.
Gayunman, nilinaw ng PAGASA na hindi awtomatikong nangangahulugan ng tagtuyot ang El Niño dahil maaari pa ring magdala ng ulan ang habagat, mga bagyo, at iba pang weather system.



