Posibleng magbayad ng milyun-milyong pounds sina Prince Harry, Elton John, at iba pang claimants sa legal costs ng Associated Newspapers matapos nilang matalo sa isinampang privacy lawsuit laban sa publisher ng Daily Mail.
Hiniling ng kampo ng Associated Newspapers sa High Court sa London na obligahin ang mga nagdemanda na sagutin ang malaking bahagi ng kanilang legal expenses, na umabot na sa £34.5 milyon, matapos ibasura ng hukom ang mga alegasyon ng phone hacking at iba pang ilegal na gawain dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Nagpapatuloy ang pagdinig kaugnay sa usapin ng legal costs.
📸: Reuters



