Nagsasagawa ng kilos-protesta ang grupo ng mga estudyante kasama ang iba’t ibang mga sektor ngayong Martes ng umaga, Setyembre 29, sa Philcoa, Quezon City.
Panawagan ng mga nagpoprotesta na tanggalin ang value-added tax (VAT) at excise tax sa mga produktong petrolyo, na anila’y nakadagdag sa pasanin ng mga mamamayan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis. | via Harted Molina

