Matagumpay na naisagawa ng Pilipinas, Estados Unidos, at Australia ang isang linggong maritime activity sa West Philippine Sea mula Agosto 19 hanggang 25.
Layunin ng 19th Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) na palakasin ang koordinasyon at interoperability ng tatlong bansa sa pamamagitan ng serye ng maritime at air operations.
Kabilang sa isinagawang drills ang anti-submarine warfare, maritime domain awareness, replenishment at sea at iba pang advanced maritime exercises.
📷: Armed Forces of the Philippines
