Nakibahagi ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa United Nations General Assembly habang nagsisimulang magsalita si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu noong Setyembre 24, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon sa DFA, pagpapakita ito ng pakikiisa sa panawagan para sa kapayapaan sa Middle East. Kabilang sa mga isyung binanggit ng DFA ang lumalalang krisis sa Gaza, pagsusulong ng Israel sa E1 settlement plan, at tumitinding karahasan sa West Bank.
Patuloy namang sinusuportahan ng Pilipinas ang two-state solution bilang daan sa kapayapaan sa rehiyon.
: Reuters


